Goodbye, CS 130

Transcript of my Final Interview for CS 130

Interviewer: Please reintroduce yourself to the audience.
Me: *faces audience* Hi. I’m [NAME REDACTED]. I’m a Computer Science student.

Interviewer: What were your thoughts when you enrolled in this course?
Me: Totoo naman yung sinabi ko before na natuwa ako na si Sir Paul prof, marami kasi ako naririnig na nag-enjoy yung friends ko sa classes niya. Yung tipong nag-enjoy sila sa classes na hindi ko naman na-enjoy. Kaya ayun, nag-expect talaga ako na maging enjoyable yung CS 130. Tapos ayun. Masaya nga! ๐Ÿ™‚

Interviewer: How comfortable are you with math?
Me: Hindi ako comfortable talaga sa math, or siguro tamad lang talaga ako as a person. Pero ngayon looking back sa sem na ‘to, medyo naging comfortable din ako nang onti sa CS 130. ๐Ÿ™‚

Interviewer: What’s your dominant feeling right now?
Me: Wala, eto bida bida nag-susulat ng mahabang journal entry. Jk. I don’t feel any pressure right now – tapos na rin kasi yung sem kaya medyo chill na. Kaya sinusulit ko na rin yung journal entry kasi baka di na ako magsulat ulit ng ganito haha.

Interviewer: Which topic/s in class made an impact to you? Why?
Me: Hindi ko na talaga maalala yung titles ng topics, sorry. Pero siguro nagkaroon ng impact sa akin yung isang day na may pinarinig si Sir sa amin na audio file na nagloloop forever *ata*. Yung maraming sound waves na iba’t ibang kulay tas nagooverlap yung tunog nila. Siguro kasi parang sabi nila lagi di ba “bakit ako nag-aaral nito hindi naman ‘to magagamit”, eh mahilig ako sa music. So parang naisip ko, may gamit din pala ‘to sa something that I like or something that I experience everyday. ๐Ÿ˜ฎ

Interviewer: If you can summarize this course in one word or sentence, what would it be?
Me: Aircon! Malamig kasi sa room. Sobra. Tapos sa lahat ng math related course na naexperience ko sa UP siguro ito yung pinaka-chill. Tapos cool pa yung prof! Oh, di ba? Wittyyyy.

Interviewer: What would be your parting message to the class?
Me: *takes a moment to wipe tears and asks for a bottle of water* Ayun, sana nag-enjoy din kayo as much as nag-enjoy ako sa CS 130. *drinks tubig* Salamat pala sa libreng tubig.

Anyway, thank you classmates kasi ang fun niyo kasama tas ang funny ng mga ganap sa games lagi. Masaya dahil may games (Thanks sir!), pero kung wala namang g na players na willing mag-enjoy, sayang lang di baaa. Kaya thank you!

Thanks din pala sa groupmates ko, ang dami ko rin natutunan sa inyo and sana may natutunan kayo sa akin. Sorry if sabaw ako minsan. ๐Ÿ™‚ And salamat din sa mga namigay ng food sa akin na mga nakatabi ko kilala niyo na kung sino kayo! ๐Ÿ™‚

Thank you rin kay Sir Paul! Sorry pala nag-cut ako nung isang beses huhu pinagsisisihan ko talaga yun. Anyway, sana na-capture nitong interview yung pasasalamat at pag-enjoy ko sa class niyo sir! ๐Ÿ˜€

Kitakits na lang klasmeyts, and congrats sa ating lahat! โค

Advertisements