Week 1: Introduce yourself

Hi! Ako nga pala si Arvin Jay Salazar Bandong. Pwede niyo akong tawaging Arvin or kahit Bandong ayos lang din (surname kasi tawagan kung saan ako nag high school).

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama bang sinabay ko ‘to sa Stat 130 eh. Di ko rin alam kung para saan ba ‘tong CS130 pero noong nalaman kong si Sir Paul yung magiging prof, tingin ko magiging masaya naman yung class tiyaka inabangan ko rin kung anong klaseng project yung ipapagawa niya sa amin.

Hindi ako magaling sa math at hindi ko rin hilig ang math. Sa tingin ko naman hindi ako hirap umintindi ng math stuff kapag in-explain sakin. Hindi talaga ako nag eenjoy mag solve ng math problems sa class pero I find it cool kapag nakikita ko kung paano na-aapply ng ibang tao sa real life problems ang math.

Uncertain pa rin ako sa mga mangyayari this sem. Feel ko na hassle talaga tong sem na ‘to kaya siguro uncertain ako, pero simula pa lang naman kaya tinatry ko muna mag chill.

Advertisements