my pamily. homaygad.

Week 1: Introduce yourself

What’s your name?

I’m Michelle (wala akong official nickname pero may friends akong “Mich” yung tawag sakin; one time ito rin binigay kong nickname sa Fil40 class ko kasi akala ko required magbigay ng nickname tapos minsan ‘pag tinatawag ako ng prof ko ‘di ko narerecognize hahahahuhu *_* ito rin yung nickname na binigay sa ‘kin ng Kas2 prof ko kasi yung katabi ko ang nickname niya “Rich”, so magkatunog na kami. Wala lang, fun fact lang.)

What were your thoughts when you enrolled in this course?

Sinunod ko lang actually yung nasa curriculum so yung thoughts ko “dapat sundin ko yung curriculum huhu” 😀 Pero nakita ko naman na ito yung dapat na i-take na subject this sem so nag-enlist na ‘ko. Kasabay siya ng 180, tapos medyo looking forward ako na “sana si Sir Paul yung prof ko sa 180 kasi balita ko super fun daw yung mga nagiging class niya something something bagong dp tapos cool prof talaga masaya mag-aral” pero hindi natuloy. Pero ngayon happy na ‘ko ulit kasi sa 130 ko pala siya magiging prof. Nice!

How comfortable are you with math?

‘Di ako sure kung comfortable ba ako with math, pero masasabi kong naa-appreciate ko na yung importance niya. Gets kong mahirap, pero natutuwa ako kapag naiisip kong merong steps para masolve yung problems and eventually makakakuha ka ng sagot. At least dito may sagot ka diba 😉

What’s your dominant feeling right now?

Happy (??), kasi nakakatuwa pala mag-type ng something na ganito (parang andami kong nasasabi compared sa kung paano ako magkwento irl–feeling ko mas madaldal talaga ako online). Tsaka medyo frustrated kasi madilim sa kwarto tapos narealize kong mas useful ata na may backlit keyboard sa ganitong situation pero kaya ko naman magtiis hehe mema.

Advertisements